Thursday, July 23, 2009

Salot na Pera



Ano ba talaga ang halaga nito?

Perang nagdudulot ng gulo sa mundo.

Kahit mabuti man ang adhikain mo,

Ito’y may kapalit lagi mula sa ‘yo.

Gamitin mo ito, bumili ng gusto.

O kaya pangtustos kung kailangan mo.

Ngunit kapag ika’y namihasa dito,

Dulot ay problema sa pamumuhay mo.

Kaya ano ngayon ang masasabi mo?

Mahalaga nga ba talaga sa 'yo 'to?

Kung 'to kaya'y wala rito sa 'ting mundo,

Sigurado na ba ang pagkakasundo?

Halina't sa pera'y huwag papatukso.

'Wag hayaang maging lamang 'to sa iyo.

Ang kapangyarihan ay nasa kamay mo,

Kaya gamitin 'to palagi sa wasto.

2 comments:

  1. Money is not to be hated for...
    Money only signifies what people "think" could be the exchange or reward unto something.
    Money is not really important but the hypocrites who act out blasphemous deeds through revealing what power money shows had influenced every one even you to believe that it can affect almost everything.

    Remember...


    Money is the illusion of power!
    People use it to control others.



    In short...




    hindi salot ang pera! wala lang talaga yung kwenta. pinapamukha lang sa atin ng kasalukuyang panahon na ang lahat ay may katumbas na maaaring ipambili, gamitin, o ipambayad.



    The only truth is that...



    ang pera pwedeng masira di tulad ng ibang bagay... NAPAKA-weak talaga nun.

    ReplyDelete